^

Probinsiya

Buntis, napaanak sa gitna ng baha habang nire-rescue sa bagyong Enteng!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

BURDEOS, Quezon, Philippines — Isang buntis na ginang ang biglang napaanak habang inililikas mula sa kanyang bahay na nalubog sa tubig-baha sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Enteng kahapon sa lalawigan ng Quezon.

Sa ulat, ligtas na nakapagsilang ng malusog na sanggol na lalaki ang ginang habang siya ay nire-rescue sa matinding pagbaha sa kanilang barangay sa kasagsagan ng paghagupit ng bagyong Enteng sa islang bayan ng Burdeos, Quezon. 

Ayon sa ulat, nakaranas ng hanggang beywang na baha ang Barangay Poblacion sa nasabing bayan kung kaya’t nagsagawa ng rescue operation sa mga residente ang mga operatiba ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO). 

 Kabilang sa ni-rescue ang nasa kabuwanan na niyang pagbubuntis na si Myrna at isinakay ito sa stretcher na binuhat ng mga rescuer saka nilusong ang baha patungo sa ospital na may layong halos isang kilometro mula sa kanyang bahay. 

Gayunman, habang nakalusong ang mga-rescuers at tangan ang stretcher sa gitna ng baha sa daan, nakaramdam ang ginang ng biglang matinding pananakit ng tiyan hanggang sa tuluyang nagluwal ng sanggol. 

Matagumpay na nadala sa ospital ang ginang na nasa maayos nang kondisyon at maging ang bagong silang niyang sanggol.

vuukle comment

RESCUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with