^

Probinsiya

Cell shop sa Rizal hinoldap: Tindero inutas ng 2 kawatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bulagta ang isang tindero nang barilin ng dalawang ‘di kilalang lalaki na nangholdap sa kanyang binabantayang tindahan ng cellphone sa Morong, Rizal kama­kalawa.

Dead-on-the-spot ang biktimang si alyas ‘Gilbert’ dahil sa isang tama ng bala sa ulo.

Samantala, nakatakas at target na ng manhunt operation ng mga awtoridad ang dalawang hindi pa kilalang salarin.

Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat ng Morong Municipal Police na dakong ala-1:10 ng hapon nang maganap ang krimen sa loob ng isang iPhone store sa Brgy. Maybancal sa Morong.

Habang nagbabantay ang biktima sa loob ng tindahan nang bigla na lang pumasok ang mga suspek at kaagad siyang binaril sa ulo.

Mabilis na nilimas ng mga suspek ang ‘di pa batid na halaga ng mga cellphone sa loob ng tindahan at saka tumakas patungo sa direksiyon ng Cardona sa Rizal.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with