^

Probinsiya

Imahe ng Virgin Mary ninakaw sa chapel, binatang suspek huli

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

DARAGA, Albay, Philippines — Kalaboso ang isang 31-anyos na lalaki matapos na mahuli umanong nagnakaw ng imahe ng “Mama Mary” sa Sto. Cristo Chapel sa Purok-4, Brgy. San Roque, ­Daraga, Albay noong Linggo ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Roel Morato, binata, mangangatay ng karne at residente ng Brgy. Ilawod, Guinobatan.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga, binuksan ng 67-anyos na caretaker ng chapel na si alyas “Salvacion” ang simbahan para sa mga magsisimba.

Lumapit umano at bumili pa sa kanya ng kandila ang suspek. Gayunman, ilang sandali ay nakitang sinubukang bitbitin ng suspek ang relic ng Sto. Cristo pero lumipat ito sa altar at binuhat ang rebulto ng mama mary na nagkakahalaga ng P10,000 saka mabilis a itinakas.

Natakot umanong humabol si Salvacion dahil may hawak na patalim ang suspek kaya humingi na lang siya ng saklolo sa mga barangay tanod at pulis pero hindi na inabutan ang kawatan.

Inabot ng halos isang oras ang mga pulis at tanod sa paghahanap sa suspek sa barangay at karatig na mga lugar hanggang maispatan nila ang huli na nagtatago sa madamong lugar ng Brgy. Bañag na dala pa ang imahe ni Mama Mary.

Agad na inaresto ang suspek at tagumpay na naibalik ang rebulto sa nasabing chapel.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with