^

Probinsiya

63-anyos negosyante ninakawan na, pinatay pa

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Patay na ng matagpuan sa garahe ng pag-aari niyang hardware ang isang 63-anyos na lalaking negosyante makaraang tuluyan ng mga hindi nakikilalang magnanakaw na nanloob sa tahanan at hardware nito kamakalawa ng umaga sa Barangay Dalahican ng lungsod na ito. 

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Elmer Maracas, may-asawa at residente sa nasabing lugar. 

Batay sa ulat ni PLt. Col. Dennis De Guzman, chief of police rito, bandang alas-5:00 ng umaga ay nadiskubre ng anak na babae ng biktima na napasok ng mga magnanakaw ang kanilang bahay at hardware na Dalahican Construction Supply and General Merchandise at nawawala na ang kanilang hindi natukoy na halaga ng collection sa nakalipas na mga araw. 

Nang hanapin sa kanyang kuwarto ang kanilang padre de pamilya ay hindi makita kung kaya’t agad silang hu­mingi ng tulong sa pulisya. 

Sa pagsisiyasat at pag­hahalughog ng awto­ridad sa lugar, natagpuan ang katawan biktima sa garahe na wala nang buhay. May mga galos at pasa ito sa tuhod at may katabing nylon cord. 

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay ng biktima at para makilala ang mga salarin sa pamamagitan ng CCTV camera.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with