^

Probinsiya

12-anyos tinamaan ng Mpox sa Batangas

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
12-anyos tinamaan ng Mpox sa Batangas
Passengers walk past the mpox awareness banner at Anna International Airport terminal in Chennai on August 21, 2024.
AFP / R.Satish Babu

BATANGAS, Philippines — Naitala ang unang kaso ng Mpox virus sa bayan ng Bala­yan, dito sa Batangas, noong August 27, 2024, ayon sa local chief executive ng bayan.

Sa anunsyo sa Facebook ni Balayan Mayor Emmanuel Salvador Fronda ll, kinumpirma nito na nagpositibo ang 12-anyos na batang lalaki ng CLIDE 2 variant ng Mpox virus.

Ani Fronda, nakaranas ng mga sintomas ang bata noong August 10 dahilan para magtungo sa Rural Health Office upang magpa-check-up.

Noong August 23, kinunan ng dugo ang bata para mapasuri sa Reserch Institute for Tropical Medicine (RITM) at nagpostibo ito base sa naging resulta na lumabas noong August 27.

Nakaranas ng skin rashes ang bata sa mukha, pubic area, paa, binti, braso at sa iba pang bahagi ng katawan kasama na rin ang ubo, lagnat at pananakit ng katawan.

Ayon sa Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU), ang bata ay walang history ng travel, lokal man o abroad.

Sa kabila nito, inanunsyo ni Mayor Fronda na wala silang ipinatutupad na lockdown sa buong bayan ng Balayan.

Pinayuhan din nila ang buong pamilya ng bata na sumailalim sa 21 araw na quarantine para maiwasan ang pagkalat ng virus.

“Nagpapagaling na yung bata at sinusuportahan naman ng LGU ang pangangailangan ng kanilang pamilya habang naka-quarantine sila tulad ng pagkain at iba pang kinakailangan nilang gamit,” ani Irish Inciong, Balayan Public Information Officer.

Nauna nang naianunsyo ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng panibagong kaso ng Mpox mula sa 26-anyos na babae mula sa Metro Manila at 12-anyos na batang lalaki mula naman sa Calabarzon na lumalabas na taga-Batangas.

vuukle comment

MPOX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with