^

Probinsiya

Babae naka-confine sa ospital binaril, patay

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Patay ang isang babaeng pas­yente habang sugatan ang kanyang ina kasama ang dalawa pang iba nang pagbabarilin sila ng isa sa tatlong armadong lalaki sa loob ng pampublikong ospital sa Dasmariñas City, Cavite, kamakalawa ng umaga.

Sa ulat,alas-3:10 ng madaling araw ay naka-confine sa pagamutan ng Dasmariñas Ospital ang biktimang si Chatty Timbang,36-anyos  habang natutulog sa kanyang higaan sa emergency room nang biglang pumasok ang isa sa tatlong armadong lalaki at pinagbabaril ng ilang beses nang malapitan.

Habang ang ina ng biktima na si Chochita Timbang, natutulog din sa tabi ng higaan ng anak ay tinamaan ng bala sa kanang hita.

Habang papaalis ang gunman sa pinangyarihan ng krimen, binaril din ng suspek ang dalawa pang biktima na kinilalang sina Abdul Batua, at Nedia Vasque na nagtamo ng tama ng bala sa kanang braso at kanang paa.

Tumakas ang gunman at sumakay sa motorsiklo ng naghihintay na kasama at mabilis na tumakbo patungo sa Congressional Ave. Area 1, Dasmariñas City.

Sinabi ni Lt. Col. Julius Balano, hepe ng pulisya ng lungsod, na naaresto ang isa sa tatlong salarin na kinilalang si Jericho Regino, 22, residente ng Confederation drive, sa hot pursuit operation sa kalapit na barangay sa kaparehong araw alas-10:00 ng umaga. Sinabi ni Balano na inamin ng suspek ang kanyang partisipasyon sa krimen at idinagdag na siya ay nagsagawa ng extra judicial confession.

Ibinunyag din ng suspek sa mga otoridad ang kanyang dalawang kasabwat. Inihahanda na ang kasong murder at multiple frustrated murder.

Ayon kay Balano ang inisyal na motibo ay may kaugnayan sa droga kung saan ang biktima ay nagbigay ng kaukulang impormasyon ukol sa pagkakasangkot ng mga salarin sa drug activities sa kanilang lugar.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with