^

Probinsiya

4 arestado sa ‘gagamba’ betting

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
4 arestado sa �gagamba� betting
Ayon sa ulat, nagsasagawa ng anti-gambling operation ang mga otoridad dakong alas-3:00 ng hapon nang mahuli nila sa akto ang mga suspek na sina alyas Wally, Berting, Baldo at Leonardo na pinaglalaban sa isang patpat ang dalawang gagamba.
STAR/File

CATANAUAN, Quezon, Philippines — Inaresto ang apat na kalalakihan makaraang maaktuhang naglalaro ng gagamba na may kaakibat na pustahan habang isa kanila ang nakumpiskahan ng hinihinalang marijuana kamakalawa sa Barangay Poblacion 10 sa bayang ito.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng anti-gambling operation ang mga otoridad dakong alas-3:00 ng hapon nang mahuli nila sa akto ang mga suspek na sina alyas Wally, Berting, Baldo at Leonardo na pinaglalaban sa isang patpat ang dalawang gagamba.

Nabatid na nagpupustahan ang mga suspek bagamat hindi tinukoy kung magkano ang nakum­piska sa mga ito.

Sa isinagawang body search sa mga suspek ay nakuha sa kanila ang 27 pang mga gagamba habang isa sa kanila ay nakuhaan ng 4 na gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

Inireklamo ng paglabag sa anti-gambling act ang mga suspek habang dagdag na reklamong paglabag sa RA 9165 ang isa sa kanila.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with