Obrero na senglot, nilamon ng ilog
MANILA, Philippines — Isang lalaki ang nasawi matapos na malunod sa ilog sa Brgy. Tavora Proper, Pugo, La Union, kamakalawa ng tanghali.
Kinilala ng Pugo Municipal Police Station ang biktima na si Michael Librano, nasa hustong gulang, obrero, residente ng Brgy. Tuguegrande, Bani, Pangasinan.
Sa inisyal na ulat ng mga otoridad, bandang alas-12:15 ng tanghali ay nasa tabi ng ilog ang biktima na may mga kasama na nag-iinuman.
Habang nag-iinuman, mag-isa umanong lumusong sa tubig ang biktima para maglangoy at makalipas ang ilang minuto na hindi pa bumabalik ang biktima kaya’t hinanap nila ito.
Isa sa mga kasama nila ang nakakita sa biktima nasa malalim ng bahagi ng ilog at walang malay.
Agad na dinala sa La Union Medical Center ang biktima, subalit idineklarang dead-on-arrival.
- Latest