^

Probinsiya

Away-parking: Lalaki hinamon ng suntukan saka binaril, todas!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dead-on-the spot ang isang lalaki nang barilin ng isa sa tatlong sinasabing barker na kanyang nakaalitan at naghamon pa ng suntukan dahil lamang umano sa away sa parking sa Antipolo City, Rizal kamakalawa.

Isang tama ng bala sa ulo ang ikinasawi ng biktimang si John Kenneth Figueroa, 27-anyos, habang mabilis na nakatakas ang gunman at mga kasamahan na tinutugis na ng mga awtoridad.

Sa ulat ng Antipolo City Police, dakong ala-1:10 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa Dimsun Compound, Purok 2, sa Brgy. Cupang.

Nauna rito, lumitaw sa imbestigasyon na habang pina-park ng biktima ang kanyang bagong sasakyan sa parking area sa tabing daan nang komprontahin ng tatlong barkers hanggang sa magkaroon sila ng mainitang pagtatalo kaugnay sa pagpa-parking sa nasabing lugar.

Nang pauwi na ang biktima at naglalakad nang abangan at buntutan ng tatlo at isa sa mga suspek ang naghamon pa ng suntukan.

Ayon sa pulisya, nakunan ng CCTV camera na nakakabit sa lugar ang eksenang suntukan kung saan tinalo ng biktima ang suspek kung kaya agad na bumunot ng kalibre 45 sa bewang ang huli at pinaputukan sa ulo ang biktima saka mabilis tumakas ang mga suspek, lulan ng isang kotse.

vuukle comment

KENNETH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with