Negosyante nilooban: Pera, alahas at kagamitan nilimas

CAVITE, Philippines — Natangay ng mga ‘di nakilalang suspek ang mahahalagang gamit , pera at alahas ng isang negosyante makaraang mabiktima ng akyat bahay gang at pasukin ang bahay nito sa isang eklusibong subdibisyon sa Brgy Maitim II West Tagaytay City .

Sa ulat ng pulisya, alas-2:50 ng madaling araw ng madiskibre ng negosyanteng biktima na napasok ng magnananakaw ang kaniyang bahay sa  Richmore Subd., Brgy. Maitim II West ng nasabing lungsod.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, sinira ng mga suspek ang steel gate ng bahay na nasa ikalawang palapag at dito dumaan.

Natangay ng mga suspek ang isang Macbook laptop na may halagang P80,000, isang Apple watch na may halagang P16,000, isang Prada wallet na nasa P50,000 ang halaga, isang Canon camera na nasa P40,000 at isang Tote bag na may lamang mga pera.

Show comments