^

Probinsiya

Habang naka-duty sa subdibisyon..Sekyu tinapatan, binaril sa ulo ng 61-anyos!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Habang naka-duty sa subdibisyon..Sekyu tinapatan, binaril sa ulo ng 61-anyos!
Dead on the spot ang biktima na kinilalang si John April Paul Aquino, 28-anyos, security guard pa tinukoy na agency at residente ng Brgy. Balsahan Timalan, Naic, Cavite.
STAR / File

CAVITE, Philippines — Sabog ang ulo ng isang security guard makaraang barilin ng isang 61-anyos na residente habang naka-duty sa gate ng isang subdivision, kama­kalawa ng gabi sa Brgy. Sahud-ulan, bayan ng Tanza, dito sa lalawigan. 

Dead on the spot ang biktima na kinilalang si John April Paul Aquino, 28-anyos, security guard pa tinukoy na agency at residente ng Brgy. Balsahan Timalan, Naic, Cavite.

Tumakas naman ang senior citizen na suspek na kinilala lang sa alyas na “Gregorio”, residente ng Brgy Sahud-ulan ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-10 ng gabi kasalukuyang nagbabantay ang biktima sa entrance gate ng Brisas Subdivison nang dumating ang suspek sakay ng Yamaha soul na motorsiklo na walang plaka.

Pagtapat ng suspek sa biktima, agad niyang binaril sa ulo saka mabilis na tumakas.

Tinutugis na ng pulisya ang suspek at ina­alam na rin ang motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with