MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Manila Water Company ang mga kustomer sa bahagi ng Rizal na mag-ipon na ng tubig ngayon pa lang para may magamit sa panahon ng inaasahang water interruption sa kanilang lugar.
Sa post ng kompanya sa kanilang FB page, magaganap ang pagkawala ng suplay ng tubig sa August 27 mula alas-10 ng gabi hanggang August 28 ng alas-4 ng madaling araw kung saan apektado ang mga lugar sa Taytay, Rizal partikular sa bahagi ng Dolores Poblacion, L. Wood Street, Admiral Village, Philec Road, Naval Street, Matimtiman, Magilas, Malaya, Adhika, B. Pag-asa, A.M. De Leon at Magiliw.
Apektado rin sa water interruption ang bahagi ng Barangay San Isidro, Taytay, L. Wood Street, Javier Compound at Jasmine Street gayundin sa bahagi ng Barangay San Luis sa Primavera Subdivision at Bermuda Heights Subdivision dahil sa gagawing line maintenance sa kahabaan ng L. Wood Street, Barangay San Isidro.