Drug dealer, timbog sa higit P300K droga
MANILA, Philippines — Nalambat ng pulisya ang isang bigtime dealer sa inilatag na buy-bust operation ng grupo kamakalawa ng hapon sa Brgy. San Juan 1, Dasmariñas City, Cavite.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas Edwin, nasa hustong gulang, residente ng Dasmariñas City, nasa High Value Target list ng pulisya.
Sa ulat ng pulisya, alas-5:30 ng hapon nang ikasa ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Drug Enforcement unit ng Cavite PPO, Pdea Cavite at Dasmariñas Police ang isang buy-bust laban sa suspek.
Bago ang operasyon, isinailalim muna sa ilang araw na surveilance ang suspek at nang magpositibo ay saka ikinasa ang buy-bust.
Narekober sa suspek ang 2 selyadong plastic sachet na naglalaman ng shabu na aabot sa 50 gramo at may halagang P340,000.
- Latest