^

Probinsiya

Resort owner utas sa pamamaril

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SARIAYA, Quezon, Philippines — Patay agad ang isang resort owner makaraang pagbabarilin ng limang kalalakihan  kamakalawa ng umaga sa Sitio Puntos, Barangay Bignay 1 sa bayang ito.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ibat ibang parte ng katawan ay kinilalang si Teodoro Abdon, 64, mag-asawa at residente ng Barangay Bignay 1.

Sa limang suspek sa pamamaslang sa biktima ay iisa pa lamang ang nahuhuli at kinilalang si alyas Reynante habang tinutugis na sina alyas Jerry, Ryan, Socrates at Ambot.

Ayon kay PLt. Homer De Guzman, Chief investigator, bandang alas-10:30 ng umaga ay papasok na sa compound ng kanyang pag-aaring resort ang biktima nang paulanan ng pung­lo ni Jerry na noon ay nag-aabang na sa gate kasama ang iba pang suspek.

Nang duguang bumulagta ang biktima ay sinundan pa itong barilin ng ilang beses ng isa pa sa mga salarin upang matiyak na patay na ito.

Nagsilbi umanong look out sina Socrates at Ambot habang isinasagawa ng tatlo nilang kasamahan ang krimen saka nagsitakas.

Nadakip sa follow-up operations si Reynante habang patuloy ang imbestigasyon upang malaman ang motibo ng mga ito sa pamamas­lang sa biktima.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with