^

Probinsiya

Tangke ng kemikal tumagas sa Laguna: 17 naospital

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

LAGUNA, Philippines — Labimpito katao ang isinugod sa ospital matapos na tumagas ang isang tangke ng kemikal sa loob ng junk shop habang nagsasagawa ng paglilinis sa Barangay Banay-banay, Cabuyao City ng lalawigang ito noong Martes ng hapon.

Ayon sa ulat, ang mga biktima ay dinala sa ospital matapos dumaing ng pagkahilo at hirap sa paghinga matapos makalanghap ng sinasabing kemikal na tumagas.

Agad namang rumes­ponde sa chemical leak incident ang joint rescue team kasama ang mga pulis at binigyan muna ng paunang medikal na lunas ang mga biktima bago sila isinugod sa pinakamalapit na ospital.

Ayon kay Ramon Villareal, superbisor ng Scrap Trading Co., ang mga tauhan ay nagsagawa ng general cleaning sa loob ng junk shop at habang inililipat nila ang isang tangke ng metal cylinder na nasa apat na talampakan ay biglang tumagas ang kemikal o likido na nagmumula rito na nagdulot ng pagsingaw ng mabahong amoy.

Agad na lumikas ang mga tao sa lugar dahil sa hindi makayanang amoy at hirap sa paghinga kung kaya agad silang dinala sa pagamutan.

Napag-alaman sa inis­yal na imbestigasyon ng fire investigator na ang substance ay pinaghihinalaang chlorine-based na kemikal dahil sa madilaw-berdeng hitsura nito.

Sa kabila nito, nasa stable umanong kondis­yon ang mga biktima ng chemical leak at iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente.

vuukle comment

CABUYAO CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with