^

Probinsiya

27 empleyado ng Iriga LGU nagpositibo sa drug test

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

IRIGA CITY, Camarines Sur, Philippines — Aabot lahat sa 27 mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Iriga City sa lalawigang ito ang nagpositibo sa drug test matapos na lumabas kahapon ang resulta ng ginawang sorpresang drug testing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Camarines Sur Provincial Office sa pangunguna ni Provincial Officer Mark Anthony Viray.

Ayon sa ulat, ginawa ang drug test sa 500 na em­pleyado ng lokal na pamahalaan noong Lunes dahil na rin sa kahilingan mismo ni Mayor Wilfredo Rex Oliva sa PDEA sa layuning gawing drug free work place ang city hall bilang mahigpit na kampanya nito laban sa pagkalat ng iligal na droga sa buong lungsod.

Pinangunahan mismo ni Mayor Oliva ang ginawang drug test.

Para wala umanong makalabas at masigurong walang aalis na kawani sa gagawing drug testing ay ipinasara at ini-lock ang gate ng city hall.

Lahat umano ng mga kawaning nagpositibo sa drug test ay muli namang isasalang sa confirmatory test.

Natuwa at pinuri ni PDEA-Bicol regional director Director lll Edgar Jubay ang programa ni Mayor Oliva at umaasang pamamarisan ito ng iba pang mga lokal na ehekutibo sa buong rehiyon.

Ang programa umano ng naturang lungsod ay napakalaking suporta sa isinusulong na drug-free work place policy ng gobyerno.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with