^

Probinsiya

Singaporean ambassador bumisita, dumalo sa ika-146 kaarawan ni Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Singaporean ambassador bumisita, dumalo sa ika-146 kaarawan ni Quezon
The provincial government of Quezon held a mass and floral offering at Manuel Quezon Shrine in Lucena on August 19, 2024
Photos courtesy of Nicole Joseph Polo | via Michelle Zoleta

LUCENA CITY, Philippines — Naging panauhin sa lalawigan ng Quezon si Singaporean Ambassador to the Philippines Constance See Sin Yuan sa paggunita ng lalawigan sa ika-146 taong kapanganakan ni dating Commonwealth President Manuel Luis Quezon, kahapon.

Si See Sin Yuan ay sinamahan ni Governor Helen Tan, AFP SOLCOM Commander Lt. General Facundo Palaro, QPPO Director Col. Ledon Monte at mga kawani ng iba’t ibang tanggapan ng nasyunal at lokal na pamahalaan sa pag-aalay ng mga bulaklak sa bantayog ni Quezon na nakatayo sa bisinidad ng Perez Park sa Lungsod ng Lucena.

Sa kanyang mensahe, kinilala ng embahador mula sa Singapore ang mga nagawa ni Quezon gayundin ay binanggit nito ang magandang bilateral relations sa pagitan ng kanilang bansa at ng Pilipinas.

Samantala, ayon kay Gov. Tan, taun-taon ay nagtitipun-tipon ang mga Quezonian upang mag-alay ng bulaklak kay Que­zon at alalahanin ang kanyang kontribusyon sa bansa, gayundin ang lalawigan ay ipinangalan sa kanya bilang pagkilala.

Katulad umano ng pangarap ni Quezon para sa bansa at sa mga Pilipino, ganun din ang pangarap nilang mga namumuno sa lalawigan, na makamit ang tunay na kahulugan ng kapayapaan.

“Naideklara na natin ang ating lalawigan na insurgency-free, makakamit natin ang kaunlaran at ‘yan po ay ginagawa natin sa pamamagitan ng mga programa at proyekto na inihahatid natin sa ating mga kalalawigan.”

Ang Quezon Day o Agosto 19 ng bawat taon ay idineklarang special working holiday sa buong bansa at special non-working public holiday naman sa lalawigan ng Quezon, lalawigan ng Aurora at lungsod ng Quezon base sa Republic Act No. 6741 noong 1989 bilang paggunita sa araw ng kapanganakan ni Quezon at pagbibigay-pugay sa kanyang mga naging kontribusyon sa bansa.

vuukle comment

QUEZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with