MANILA, Philippines — Niyugyog ng 5.7 magnitude na lindol ang Northern Samar kahapon ng alas-11:39 ng umaga
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-11:39 ng umaga ng Lunes nang tumama ang lindol na ang sentro ay naitala sa may 034 kilometro ng hilagang kanluran ng Ambujan, Northern Samar.
Dulot nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity 5 sa Bobon, Catarman, Laoang, Lavezares, Palapag, Rosario, at San Roque, Northern Samar, at Intensity 4 sa Pilar at City of Sorsogon, Sorsogon.
Intensity 3 naman sa City of Legazpi at City of Tabaco, Albay; Virac, Catanduanes; City of Masbate, Masbate; Bulusan at Irosin, Sorsogon, at Burauen at Javier sa Leyte.
Naitala rin ang Intensity 2 sa Calubian, Hilongos, Leyte, at Mahaplag, Leyte; Hinunangan at Sogod, Southern Leyte.
Ayon sa Phivolcs, asahan na ang aftershocks sa naganap na lindol sa naturang lalawigan.