^

Probinsiya

Trike driver, kinatay ng kaalitang driver

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang driver nang pagtatagain ng kanyang kapwa tricycle driver na sinasabing matagal na niyang kaalitan dahil sa agawan sa pasahero, sa Cainta, Rizal kama­kalawa.

Dead on the spot ang biktimang si Sixto Chavez habang nakatakas naman ang suspek na si alyas “Rholly”, kapwa tricycle driver na miyembro ng San Andres Tricycle Operators and Drivers Association (SATODA).

Lumilitaw sa inis­yal na pagsisiyasat ng Cainta Municipal Police Station na dakong alas-9:45 ng umaga nang maganap ang krimen sa Villa Estella, A. Prime, Barangay San Andres, sa Cainta.

Nabatid na dati nang may alitan ang dalawa dahil sa agawan ng pasahero, kaya’t nang mag krus ang landas ng mga ito sa naturang lugar ay nagkaroon sila ng mainitang argumento.

Sa kainitan ng kanilang pagtatalo, bigla na lang umanong kinuha ng suspek ang dalang itak na nasa kanyang tricycle at ilang ulit na pinagtataga ang biktima na kaagad nitong ikinasawi.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek upang panagutin sa krimen.

vuukle comment

RIZAL

CAINTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with