^

Probinsiya

Mister binaril ng kasuntukan, patay!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Tatlong tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang mister makaraang pagbabarilin ng dalawang kasuntukan nito, kama­kalawa ng gabi sa Brgy. Puting Kahoy, bayan ng Silang, dito.

Nakatakbo pa sa bahay ng kaibigan nito subalit sa pintuan pa lang ay humandusay na ang biktima na kinilalang si Christian Caringal, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Puting Kahoy, Silang, Cavite.

Naaresto naman ang isa sa dalawang suspek na kinilala lang sa alyas “Doming” habang nakatakas ang kasamang si alyas “Jerome”.

Sa ulat ng pulisya, alas-9:00 ng gabi nang pagtulungan umanong bugbugin ng dalawang suspek ang biktima.

Nagawa pang makapanlaban at makipagpambuno ang biktima suba­lit dito na siya pinagbabaril ni alyas Jerome.

Kahit duguan, nagawa pang makatakbo ang biktima at nakara­ting sa bahay ng kanyang kaibigan subalit pagdating nito sa pintuan ay dito na siya bumulagta.

Agad na naitakbo sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead-on- arrival ng sumuring doctor.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with