Lalaki nilikida, nakaposas sa ilalim ng ilog

CAVITE, Philippines — Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang may mga tama ng bala at nakaposas sa ilalim ng ilog ng Brgy. Navarro General Trias Cavite kahapon ng madaling araw.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakikilala ang biktima na nakasuot ng itim na tshirt, itim na short at may tattoo sa kaliwang kamay.

Sa ulat ng pulisya, alas-2 ng madaling araw nang madiskubre ng isang residente ang nakalubog na katawan ng biktima sa nasabing ilog.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nakaposas ang mga kamay ng biktima at may mga tama ng bala sa katawan at ulo.

Ayon sa mga residente, nakarinig umano sila ng sunud-sunod na putok ng madaling araw.

Show comments