^

Probinsiya

‘Moro-moro’ raid ng NBI-Region 11 sa KOJC compound, pinasisilip ni Barbers

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers ang alegas­yon na umano’y “moro-moro” o “scripted” na raid ng National Bureau of Investigation (NBI)-Region 11 agents sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City upang arestuhin ang kontrobersyal na si Pastor Apollo Quiboloy.

Sinabi ni Barbers na dapat magpaliwanag si NBI Region 11 Director Archie Albao sa mga alegasyon na ang huling pagsalakay sa compound ng KOJC sa Davao City ay “drama lamang” upang palitawin na nagtratrabaho ang NBI sa kanilang hurisdiksyon.

Si Barbers na chairman ng House Committee on Dangerous Drugs ay pinuna ang mga kritisismo laban kay Albano at ng team nito dahil ang raid ay wala naman umanong intensiyong hulihin si Quiboloy at sinasabing “scripted” ang operasyon.

Ayon kay Barbers, nabahiran ng pagdududa ang publiko sa kumalat na balitang ito sa naging aksiyon ng grupo ni Albao at nais nilang ipaliwanag ng opisyal ang isyu.

“The accusations against Director Albao are serious. It is important that we investigate this matter to uncover the truth. We do not want to jump to conclusions without hearing what Director Albao has to say,” anang solon.

Dapat din umanong ipaliwanag ni Albao ang sobrang pagiging malapit umano nito kay Quiboloy at maging kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nabatid na si dating KOJC Pastor na si Arlene Stone ang nag-aakusa kay Albao sa umano’y iregularidad sa nasabing raid noong nakalipas na linggo kung saan naglibot lamang ang NBI agents aniya sa KOJC compound tulad ng makikita sa nakunang video sa mga ito.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with