^

Probinsiya

Tinedyer todas sa riot sa Rizal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang teenager na lalaki ang patay nang saksakin ng kanyang kaalitan sa isang riot na sumiklab sa Antipolo City, Rizal, ayon sa pulisya kahapon.

Sa ulat ng Antipolo City Police, isang tama ng saksak ng balisong sa tagiliran ang kumitil sa buhay ng biktimang si Cedrick Eustaquio habang nakatakas naman ngunit naaresto rin ng mga awtoridad sa follow-up operation ang suspek na kinilala lang na si alyas “Renzlie”.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Sitio Imelda, kanto ng NHA Ave., sa Brgy. Dela Paz. Antipolo City, ngunit kama­kalawa lamang ng hapon ito inireport sa pulisya.

Nauna rito, nagkaroon umano ng kaguluhan ang ilang kabataan sa natu­rang lugar, hanggang sa tinarakan ng balisong ang biktima ng suspek bago mabilis na tumakas.

Naisugod pa ang biktima sa Antipolo City District Hospital ngunit nasawi rin habang nilalapatan ng lunas.

vuukle comment

RIZAL

ANTIPOLO CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with