^

Probinsiya

Tirador ng convenience stores umatake muli sa Cavite

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Muling sumalakay ang mga tirador ng mga convenience store dito sa lalawigan at isa na namang sangay ng 7-Eleven ang kanilang biniktima at kinulimbat ang mahigit sa P100,000 cash sa kaha ng tindahan, tanghaliang tapat kamakalawa sa Brgy. Molino 3, Bacoor City.

Tatlong armadong kalalakihan ang nangholdap sa nasabing convenience store dakong alas-11 ng umaga nitong Linggo. Kapwa tinata­yang nasa taas na 5’5 hanggang 5’7 ang mga suspek na naka-bonnet at nakasuot ng puting t-shirt, long sleeves, fatigue. 

Sa ulat ng pulisya, nang nasabing oras, pumasok ang mga suspek sa store at nagpanggap na kustomer.

Isa sa mga suspek ang nagsilbing lookout habang dalawa ang nanutok ng mga baril sa mga biktimang sina Roel Borres at Jayson Tabios, empleyado ng nasabing store.

Ikinulong pa ng mga suspek ang dalawang biktima sa stock room at tinangay nila ang perang kinita ng store na nasa vault na aabot sa mahigit P100,000.

Matapos makuha ang pakay, mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng isang kotse na kulay gray.

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with