^

Probinsiya

P1.7 milyong droga samsam ng PNP-DEG sa Negros Occidental

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aabot sa kabuuang ?1,734,000 ang halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa Negros Occidental kahapon ng madaling araw.

Natimbog naman sa operasyon ang high value target na sina alyas Ray-An, 39-anyos, at isang alyas “Madam”, 54.

Ayon kay PNP-DEG director PBrig. Gen. Eleazar Matta, isang buy-bust operation ang ikinasa ng pulisya sa Purok Uno Sisi, Barangay Singcang-Airport, Bacolod City dakong alas-2:30 ng madaling araw nitong Linggo.

Una silang nakatanggap ng  impormasyon hinggil sa transaksiyon ng  dalawa kaya agad na bineripika at saka ikinasa ang  buy-bust.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang 255 na gramo ng hinihinalang shabu gayundin ang iba pang ebidensiya.

“Ang masigasig na pagsusumikap ng ating mga operatiba sa pangu­nguna ng SOU 6-Bacolod, ay nagbunga ng matagumpay na pag-aresto sa mga indibidwal na itinuturing na High Value Individuals,” ani Matta.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with