P13 milyon shabu nasabat sa Zamboanga buy-bust

Ayon kay PNP-DEG Director PBrig. Gen. Eleazar Matta, sa nasabing operasyon naaresto ang isang 37-anyos na high value individual (HVI) na ‘di tinukoy ang pangalan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Aabot sa P13 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine National Police -Drug Enforcement Group sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng mada­ling araw sa Zamboanga City.

Ayon kay PNP-DEG Director PBrig. Gen. Eleazar Matta, sa nasabing operasyon naaresto ang isang 37-anyos na high value individual (HVI) na ‘di tinukoy ang pangalan.

Batay sa record, ikinasa ang buy-bust dakong alas-12 ng madaling araw kahapon laban sa suspek sa Yubenco, Barangay San Jose Gusu, Zamboanga City.

Sinabi ni Matta na nakatanggap sila ng tip na may malaking transaksyon sa bentahan sa droga kaya isinagawa ang beripikasyon saka ikinasa ang buy-bust.

Nakumpiska sa suspek ang nasa 2-kilo ng shabu na umaabot sa P13,000,000.

Inihahanda na ang kaso laban sa suspek.

Show comments