Drug courier arestado sa P6.8 milyong shabu

Kinilala ang naares­tong suspek na si Akino Damming Muharram, 24, tubong Talipao, Sulu ng PDEA-9 narcotics agents at police personnel mula sa Regional Drug Enforcement Unit 9 (RDEU) sa buy-bust ope­ration, pasado ala-1:00 ng hapon sa bisinidad ng gas station sa kahabaan ng Gov. Camins Avenue.
STAR/File

ZAMBOANGA CITY, Philippines — Isang drug courier ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Phili­ppine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya at nasamsam ang nasa P6.8-milyon shabu sa isang entrapment operation sa lunsod na ito, kahapon.

Kinilala ang naares­tong suspek na si Akino Damming Muharram, 24, tubong Talipao, Sulu ng PDEA-9 narcotics agents at police personnel mula sa Regional Drug Enforcement Unit 9 (RDEU) sa buy-bust ope­ration, pasado ala-1:00 ng hapon sa bisinidad ng gas station sa kahabaan ng Gov. Camins Avenue.

Nakatakas naman ang dalawang kasama ni Muharram matapos na maramdam na ang kanilang ka-deal ay mga otoridad.

Narekober mula sa suspek ang isang kilo ng shabu na nakabalot sa  vacuum-sealed plastic pack, na kulay pula na Taiwanese tea foil pack may tatak na “Da Hong Tea”, 9 bundles ng boodle money na tig-1,000 genuine bill marked money, at cellphone unit.

Show comments