MANILA, Philippines — Nakuha na ang bangkay ng isang crew ng fishing boat na iniulat na nawawala sa Negros Occidental noong Agosto 3 matapos ang tatlong araw sa dagat ng Brgy. Guiwanon, Bantayan Island, Cebu noong Martes.
Kinumpirma ng pinuno ng Philippine Coast Guard (PCG)-northern Negros Occidental ang pagkamatay ng 24 taong gulang na si Leodigario Brosas ng Brgy. 6-A, Victorias City, Negros Occidental.
Natagpuan ng mga mangingisda ang bangkay ni Brosas at itinurn-over sa Disaster Risk Reduction and Management Office sa Bantayan.
Huling nakitang buhay si Brosas na natutulog sa likuran ng isang bangka matapos ang pangingisda.