Lalaki natagpuang patay sa sapa

CAVITE, Philippines — Patay na nang matagpuan ang isang lalaki habang pa­lutang-lutang sa isang sapa, kamakalawa sa Sitio Manggahan, Brgy. Pasong Camachille 1, Gen. Trias City Cavite.

Hindi pa rin nakilala ang biktima na tinata­yang nasa edad na 55 hanggang 60, nakasuot ng brown t-shirt at itim na underwear.

Sa ulat ng pulisya, alas-10:20 ng umaga nang matagpuan ng isang residente ang katawan ng biktima na nakadapang palutang-lutang sa nasabing sapa.

Inaalam na ng pulisya kung pagkalunod ang ikinamatay ng lalaki o pinatay ito at itinapon sa sapa.

Show comments