MANILA, Philippines — Arestado sa entrapment operation ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Batangas District Office (NBI-BatDO) ang 18 katao na umano’y nagsasagawa ang illegal quarrying operations sa lalawigan ng Batangas.
Ayong sa NBI-Batangas, ang 18 indibiduwal na inaresto ay sinampahan na ng paglabag sa Sec. 103 (Theft of minerals) ng Republic Act No. 7942, o ang “Philippine Mining Act of 1995”.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nagsagawa ng entrapment operation ang mga ahente nito na may deputization authority mula sa Mines and Geosciences Bureau sa Brgy. Celestino, Lipa City noong Huwebes.
Huli sa akto ang mga suspek na nagku-quarry nang walang permit mula sa Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO) ng Batangas. Kinumpiska rin ang mga kagamitan sa quarrying.