^

Probinsiya

2 paslit patay, 3 pa kritikal sa kinaing butete

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 paslit patay, 3 pa kritikal sa kinaing butete
Batay sa ulat, ang dalawang paslit ay kabilang sa miyembro ng pamilyang Uwing, ng Brgy. Balas, Lamitan City,
PNA / National Geographic photo

MANILA, Philippines — Dalawang bata ang nasawi habang tatlo pang miyembro ng pamilya ang nasa kritikal kabilang ang kanilang ina na kondisyon matapos umanong kumain ng nakalalasong isda na “puffer fish” o butete nitong kama­kalawa ng gabi Lamitan City, Basilan.

Batay sa ulat, ang dalawang paslit ay kabilang sa miyembro ng pamilyang Uwing, ng Brgy. Balas, Lamitan City,

Nakaranas ng pagsusuka, pagkahilo at pagtatae ang mga biktima hanggang sa masawi makalipas ang ilang oras.

Napag-alaman na ang nasabing isda na kinain ng mga biktima ay mas kilala sa mga lokal na mangingisda bilang butete, na maaaring maglaman ng nakalalasong kemikal na tetrodotoxin.

Natatagpuan ang “tetrodotoxin” isang matinding lason na nakikita sa atay at sex organs ng mga isda kabilang ang puffer fish.

Ang nasabing lason ay maaaring magdulot ng mabilis na pagkaparalisa, hirap sa paghinga, at sa ilang malalang kaso ay kamatayan.

Nasa Lamitan District Hospital ang 34-taong gulang na ina ng mga biktima at dalawa pang bata.

vuukle comment

BASILAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with