^

Probinsiya

3 babae dedo, 5 malubha sa road mishap

Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Tatlong babaeng moto­rista ang agad na nasawi habang limang iba pa ang naisugod sa mga pagamutan sanhi ng aksidente sa Koronadal-General Santos Highway sa Barangay Saravia sa Koronadal City nitong gabi ng Martes.

Sa ulat nitong Miyerkules ng Police Regional Office-12, agad na binawian ng buhay sina Rogela Bayang, 24-anyos; Vivian Hilaria 18-anyos, at ang 21-anyos niyang kapatid na si Rhealyn Hilaria nang masapol sila habang sakay ng dalawang motorsiklo ng isang puting Mitsubishi Strada pickup truck sa isang bahagi ng highway sa Purok Ilang-Ilang sa Koronadal City.

Sa salaysay ng mga saksi, patungo sa sentro ng Koronadal City ang pickup truck ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 12 ng nag-overtake ng isang tricycle at, ng magawi sa kabilang linya ng highway, ay nasapol ang dalawang kasalubong na mga motorsiklong sakay ang tatlong mga biktima.

Limang kasama ng 34-anyos na pickup truck driver na si Pelong Dang­kalan, na sina James Enrijo, 38-anyos, Ryan Tapon, 22-anyos, Roderick Tapon, 48-anyos, Kenneth Fronda, 24-anyos, at Reynan Lara, 40-anyos, ang nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan sanhi ng aksidente.

Nasa kustodiya na ng Koronadal CPO si Dang­kalan.

vuukle comment

ROAD MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with