Sunog sumiklab sa Zamboanga City: 229 pamilya nawalan ng bahay

Pilit na inaapula ng ilang bumbero ang apoy nang sumiklab ang napakala­king sunog na tumupok ng mga bahay ng may 229 pamilya sa Camino Nuevo, Zamboanga City nitong Biyernes.
Courtesy: ZCDRRMO

MANILA, Philippines — Nasa 229 pamilya ang iniulat na nawalan ng tirahan matapos na sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Camino Nuevo, Zamboanga City kamakalawa ng hapon.

Pito katao naman ang sinasabing nasugatan sa sunog.

Nagsimula ang sunog dakong alas-4 ng hapon at idineklarang fire out bandang alas 9:25 ng gabi.

Pansamantalang nanunuluyan sa Camino Nuevo covered court ang mga nasunugan.

Inayudahan na rin ang mga ito ng pagkain gamot, banig at hygiene kits.

Naglagay na rin ng community kitchen sa evacuation site.

Tinatayang nasa P1 milyon ang halaga ng natupok sa sunog.

Show comments