MANILA, Philippines — Anim na lokal na teroristang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa tropa ng militar bitbit ang kanilang mga armas sa Brgy. Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur kamakalawa.
Sa report, sinabi ni Major Gen. Antonio Nafarette, Acting Commander ng Army’s 6th Infantry Division (ID), ang mga sumukong terorista ay mula sa nalalabing grupo ng BIFF Karialan at Bungos faction.
Ayon kay Nafarette, isinuko rin ng anim na terorista ang kanilang mga armas sa Army’s 92nd Infantry Battalion (IB) na kinabibilangan ng M79 grenade launcher, dalawang M14 rifle, isang RPG launcer at isang sniper rifle.
“We are able to sustain the momentum as more Lawless Terrorists Groups members are benefitting the fruits of peace by denouncing their affiliations. Your army will always welcome you once you decide to live peacefully. The government will provide you with services, including financial and livelihood assistance to start your new life,” ayon kay Nafarette.
Nagpapatuloy naman ang opensiba ng tropang gobyerno laban sa nalalabi pang BIFF members na nasa likod ng paghahasik ng terorismo sa Central Mindanao.
Samantala, anim na sari-saring mga armas rin at mga bala ang isinuko sa tropa ng Army’s 90th Infantry Battalion (IB) ng mga concerned citizen sa Brgy. Gaunan, M’lang, Cotabato nitong Biyernes ng umaga.
Kabilang sa mga isinukong mga armas ay isang garand rifle, isang M14 rifle, isang M79 rifle, isang RPG, isang 5.56 Bushmaster at isang M16A1 .
The voluntary surrender of firearms is the results of the ongoing Mobile Community Support Sustainment Program (MCSSP) of 90IB’s area of operation to defeat the remaining Local Terrorist Group and the unit’s continuing effort to eradicate loose firearms to maintain its peace and stability”, ang sabi pa ni Nafarette.