MANILA, Philippines — Aabot sa mahigit P200,000 halaga ng mga vape product ang natangay ng mga hindi nakilalang suspek makaraang ransakin ng mga ito ang tindahan, kamakalawa sa Timalan Concepcion, Naic, Cavite.
Sinamantala ng mga suspek ang kasagsagan ng malakas na ulan at pinasok ng mga ito ang JNE Vape Shop na pag-aari ng biktimang si Jeanet Lontoc, ng nasabing lugar.
Sa ulat ng pulisya, alas-9:00 ng umaga nang ransakin ng mga hindi nakilalang suspek ang nasabing shop sa pamamagitan ng pagwasak sa padlock ng roll up door nito.
Tinangay ng mga suspek ang ibat ibang uri ng vape, vape pods at mga juices na aabot sa mahigit kumulang sa P200,000.