Gotohan nabagsakan ng puno, tindero dedo

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang 46-anyos na goto vendor matapos na mabagsakan ng punong Acacia ang kanyang gotohan na nakalagay sa tricycle,kamakalawa ng gabi sa Brgy. Poblacion 3,Nasugbu, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Virgilo Aclan, residente ng Brgy. Talangan, Nasugbu, Batangas .

Sa ulat ng pulisya, alas-9;30 ng gabi habang kasagsagan ng bagyong Carina ay nagtinda ng goto ang biktima na nakakarga sa tricycle nito at nakapwesto sa tabi ng puno ng Acacia .

Habang nagbabantay ay biglang nabuwal ang nasabing puno at nabagsakan ang biktima dahil sa umano ay paglambot ng lupa na kinatatayuan ng nasabing puno.

Show comments