^

Probinsiya

Batangas isinailalim sa state of calamity

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Bata­ngas sanhi ng matinding epekto ng malawakang pagbaha dulot ng southwest monsoon o habagat at ng bagyong Carina.

Base sa report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), maraming munisipalidad sa lalawigan ang lumubog sa tubig baha dulot ng halos walang humpay na mga pag-ulan.

Kabilang sa matinding naapektuhan ng mga pagbaha ay ang mga bayan ng Agoncillo, Balayan at Lemery.

Sa bayan ng Le­mery maraming mga sasak­yan ang na-istranded dahilan mga truck at bus lamang ang maa­ring makadaan sanhi ng mataas na tubig baha sa diversion road.

Nasa hanggang tuhod naman ang pagbaha na nakaapekto sa Brgy. Caloocan, Lanatan at 11 Brgy. sa bayan ng Balayan.

Samantalang baga­man nagsimula ng bumaba ang level ng tubig sa ilang lugar ay nag-iwan naman ito ng sandamakmak na mga basura.

Iniulat rin ang landslide sa bayan ng Agon­cillo, Batangas na kumitil ng buhay ng apat na miyembro ng isang pamilya doon.

Patuloy naman ang pamamahagi ng relief goods ng lokal na pamahalaan sa mga residente na naapektuhan ng kala­midad.

vuukle comment

BATA­NGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with