^

Probinsiya

Magsasaka tinangay ng malakas na agos sa ilog habang tumatawid

Cesar Ramirez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang magsasaka ang naiulat na nawawala matapos na tangayin ng malakas na agos ng tubig sa ilog sa Sitio Daeng,Barangay Halog East,Tubao, La Union, kamakalawa ng hapon.

Batay sa ulat mula sa Police Regional Office 1(PRO1) kahapon, kinilala ang nawawalang magsasaka na si Pepito Doria, 61, residente ng nasabing barangay.

Bago ang nasabing insidente ay nagtungo­ sa talipapa si Doria upang iligtas ang kanyang mga kagamitan.Habang tumatawid sa ilog ay biglang lumakas ang agos ng tubig at natangay ito.

Nagsagawa ang mga pulis kasama ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at municipal disaster risk reduction and manage­ment office (MDRRMO) ng search at rescue ope­rations para sa posibleng makuha ang katawan ng biktima.

vuukle comment

LA UNION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with