^

Probinsiya

Magsasakang naki-connect ng WiFi binaril, patay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Magsasakang naki-connect ng WiFi binaril, patay
Ang biktima na tinamaan ng bala sa dib-dib at tumagos sa likod na kanyang ikinasawi ay nakilalang si Rene Fernando ng Barangay Marcelo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang 33-anyos na magsasaka ang nasawi nang ito ay pagbabarilin habang gumagamit ng Wi-Fi sa Sitio Talagbuan, Barangay Marcelo, Calatrava, Negros Occidental noong Linggo ng gabi.

Ang biktima na tinamaan ng bala sa dib-dib at tumagos sa likod na kanyang ikinasawi ay nakilalang si Rene Fernando ng Barangay Marcelo.

Sinabi ni Police Major Wilfredo Benoman Jr., hepe ng Calatrava police, kumokonekta sa Wi-Fi ang biktima sa isang tindahan nang lapitan at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang tao.

Sinabi ni Benoman na nagawa pang makatakbo ng biktima ilang metro ang layo mula sa pinangyarihan ngunit bumagsak ito sa lupa.

Dinala ang biktima sa ospital kung saan idineklara itong patay.

Sinabi ni Benoman na tinitingnan nila ang background ng biktima upang matulungan silang matukoy ang motibo sa insidente.

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with