^

Probinsiya

Dalagita, pinadroga ng kaibigan bago ginahasa

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Pinagamit ng droga bago ginahasa ng kaibigang lalaki ang 14-anyos na dalagita sa bahay mismo ng una, kamakalawa sa Lupang Arienda, Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal.

Ang suspek na kinilala sa alyas na Jonie, nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar  ay sinampahan na ng mga kaso.

Sa ulat ng pulisya, alas-3:00 ng madaling araw ay inimbitahan ng suspek ang biktimang itina­go sa pangalang Jam, estud­yante, residente rin ng nasabing lugar at dahil sa kaibigan at kilala ay tiwala itong nagpunta ng  bahay ng suspek.

Pagdating ng biktima ay pinaupo ito sa sofa ng suspek at nagkakuwentuhan pa umano ang mga ito at inalok na gumamit ng droga.

Tumanggi pa umano ang biktima subalit pinilit ito ng suspek hanggang sa mahilo ang biktima at dito na ito ginahasa ng suspek.

Nang makauwi ang biktima, agad itong nagkuwento sa kaniyang mga magulang dahilan upang magsumbong ang mga ito sa pulisya na ikinaaresto ng suspek.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with