^

Probinsiya

Army detachment, niratrat ng terorista: Sundalo patay, kasama sugatan

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang isang sundalo habang sugatan naman ang isang kasamahan sa  pag-atake ng mga teroristang Dawlah Islamiya sa kanilang detachment sa Barangay Pagatin 1 sa Shariff Saydona Mustapha, Maguin­danao del Sur nitong Sabado ng tanghali.

Kinilala ng Shariff Saydona Mustapha Municipal Police Station at Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region ang nasawing biktima na si Private 1st Class Rosendo Gannaban ng 99th Infantry Battalion at pagkasugat ni Private First Class Lexter Lizardo.

Sa inisyal na ulat ng mga barangay officials sa Pagatin 1, pinalibutan ng mga teroristang pinamumunuan ni Ben Harris Salamat ang detachment nila Gannaban at pinaputukan ng M14 at M16 assault rifles, kaya nagkapalitan ng putok na nagdulot din ng takot sa mga pamilyang Moro na nakatira sa kapaligiran.

Ang Dawlah Islamiya at kaalyadong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ay parehong kilala sa pagpapalaganap ng galit sa mga hindi Muslim at pambobomba ng mga establisyemento at mga sasakyang pampubliko na ayaw magbigay ng “protection” money ang mga may-ari.

Nakatakdang ihatid sa pamilya ang labi  ni Gannaban sa Barangay Divisoria, Enrile, Cagayan.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with