^

Probinsiya

Magkapatid nalunod sa beach resort

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kapwa nalunod ang magkuya habang nailigtas ang isang kasama nang tangayin ng malalakas na alon habang naliligo sa isang beach resort sa Brgy. Capipisa, Tanza, Cavite.

Kinilala ang magkapatid na nasawi na sina Danilo, 50; at Henry Barquio, 55, kapwa residente ng Alabang, Muntinlupa City.

Nakaligtas at inoobserbahan sa pagamutan ang kasama nilang si Jemboy B. Perez, 25, residente rin ng nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang insidente, alas-9:30 ng umaga ay nagkayayaan ang mga biktima kasama ang kanilang pamilya sa Lito Beach Resort sa bayan ng Tanza Cavite.

Napag-alaman na nag-inuman muna umano ang mga biktima bago nagkayayaan ng lumusong sa dagat at dahil sa masama rin ang panahon nang araw na iyon at may kalakasan ang mga alon ay magkakasabay na tinangay ang mga biktima.

Tulung-tulong na sinagip ang mga biktima ng kanilang mga kasama at agad itinakbo sa pagamutan, subalit idineklarang dead on arrival ang magkapatid.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with