^

Probinsiya

Magpinsan na choir ng simbahan, nalunod sa ilog

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

ANGAT, Bulacan, Philippines — Kapwa nasawi ang magpinsan na  binatil­yo matapos tangayin ng malakas na agos kamakalawa ng umaga sa Brgy. Sta. Cruz ng nasabing bayan.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Jonathan James Retobado, 15 at Jerome Chavez, kapwa estud­yante at residente ng Sitio Buga, Brgy. Sta Elena, Hagonoy.

Sa report ng Angat police, nangyari ang insidente nitong Linggo ng umaga, sa Angat river, Sitio Pugpog, Brgy. Santa Cruz, Angat.

Ayon sa imbestigasyon, masayang nagtatampisaw si Jonathan James kasama ang kaibigang nagngangalang John Patrick nang biglang tangayin ng malakas na agos papunta sa malalim na parte ng ilog.

Nang makita ni Jerome ang nangyari ay agad sinaklolohan ang dalawa, subalit sa kasamaang palad ay nalunod siya at si Jonathan James dahil sa strong current sa ilalim ng ilog. Masuwerteng nakaligtas naman si John Patrick nang puwersahang lumangoy hanggang sa mapadpad sa mababaw na parte ng ilog sakop ng Brgy. Laog.

Nang matagpuan ng ilang concerned citizen ang magpinsan ay agad dinala ng rescue team sa Angat Rural Health Unit subalit binawian na sila ng buhay.

Sinasabing ang magpinsan na kapwa miyembro ng choir sa kanilang simbahan ay nagbakasyon lamang sa kaanak sa bayan ng Angat.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with