Delivery rider nasabat sa P1.9 milyong ecstasy

ng delivery rider habang iniimbestigahan mata- pos makumpiskahan ng may P1.9 milyong halaga ng blue ecstasy sa ikinasang drug operation ng PDEA at PNP sa open parking lot ng isang mall sa Bacoor City kahapon.
PDEA

MANILA, Philippines — Aabot sa mahigit sa P1.9 milyong halaga ng ecstasy ang nakumpiska ng pulisya sa isang delivery rider na high value individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa open parking lot ng isang mall sa Brgy. Molino 4, Bacoor City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Mary Ann Mahilom-Lorenzo, Phili­ppine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Calabarzon public information officer, ang suspek na si Jerome Jamila alias “Randy”, 34-anyos, isang delivery driver at residente ng FB Harrison St, Pasay City.

Sa ulat ng pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon na may nakatakdang shipment na ide-deliver sa isang lugar sa Cavite sa pamamagitan ng isang delivery courier.

Bunsod nito, ikinasa ang drug operation ng pinagsanib na puwersa ang PDEA-4A, Regio­nal Special Enforcement Team 1, nagsilbing lead unit, PNP-Regional Drug Enforcement Unit (RDEU)- 4A at Bacoor City Police dakong alas-7:45 ng gabi sa open parking lot ng kilalang mall sa Brgy. Molino 4, Bacoor City kung san dito umano ide-deliver ng rider ang nasabing shipment.

Agad naaresto ang suspek nang maisagawa ang transaksyon at nakumpiska sa pag-iingat nito ang isang brown paper bag na may lamang isang box ng Nike at sa loob nito ay nakuha ang may mahigit  1, 151 piraso ng blue tablets na ecstasy na aabot sa halagang P1,956,700.

Show comments