Taga-Davao del Sur instant multi-millionaire, P157 milyong jackpot sa SuperLotto napanalunan

Ayon sa PCSO, matagumpay na napa­nalunan ng lucky winner ang winning combination na 41-33-31-24-37-49, kaya’t naiuwi nito ang katumbas na jackpot prize na P157,395,155.60.
Philstar / Irra Lising

MANILA, Philippines — Instant multi-milyonaryo ang isang lone bettor mula sa Davao del Sur nang palaring mapanalunan ang tumataginting na P157 milyong jackpot ng SuperLotto 6/49 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na binola kamakalawa ng gabi.

Ayon sa PCSO, matagumpay na napa­nalunan ng lucky winner ang winning combination na 41-33-31-24-37-49, kaya’t naiuwi nito ang katumbas na jackpot prize na P157,395,155.60.

Anang PCSO, nabili ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa Suyo, Thelma T. Rizal Ave., Digos City, Davao del Sur.

Upang makubra naman ang kanyang premyo, pinayuhan ni PCSO General Manager Mel Robles ang lucky winner na magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang winning ticket at dalawang balidong IDs.

Nagpaalala rin si Robles na ang lahat ng prem­yong hindi makukubra sa loob ng isang taon, mula sa petsa ng pagbola, ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kawanggawa.

Ang lahat ng premyong lampas sa P10,000 ay papatawan ng 20% buwis, sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ang SuperLotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Show comments