^

Probinsiya

Speedboat lumubog sa Zamboanga: 16 nasagip

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Matagumpay na nasagip ng mga emergency responders ang 16 katao kabilang ang limang crew at dalawang pulis matapos na lumubog ang kanilang sinasakyang speedboat habang papunta sa isang island barangay, ilang milya lang ang layo sa pampang ng Zamboanga City kahapon ng umaga.

Ayon sa mga opis­yal ng Police Regional Office-9, karamihan sa mga sakay ng speedboat ay mga empleyado ng city government na magtutungo sana sa Barangay Tumalutap para mag-inspeksyon ng mga community projects doon bilang bahagi ng Seal of Good Local Governance (SGLG) evaluation ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pamahalaang lungsod.

Ang Zamboanga City government ay unang naiulat na nominated para sa 2024 SGLG award mula sa central office ng DILG.

Kabilang sa mga nailigtas na pasahero sina Police Major Rolando Arriola, Jr. at subor­dinate na si Master Sgt. Reagan Gregorio at limang crew members ng speedboat ng mga rumespondeng pinagsanib na seaborne unit ng PRO-9, barangay officials at mga miyembro ng Philippine Coast Guard sa Zamboanga City.

Sa isang ulat, isa sa dalawang engine ng sinasabing “overloaded” na speedboat ay pu­malya umano kaya huminto ang bangka sa pagtakbo habang naglalayag sa karagatan sanhi upang magdahan dahan ito hanggang sa hampasin ng malalaking alon na dahilan ng paglubog sa dagat.

SGLG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with