Babaeng OFW inutas ng tandem sa harap ng 82-anyos na ina

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Lorna Boongaling Babao, 53-anyos, residente ng Brgy. Balatbat, Lobo, Batangas habang nakaligtas ang ina nito na si Rosita Boongaling Babao, residente rin ng nasabing lugar.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Patay ang isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) makaraang pagbabarilin sa mukha ng riding-in-tandem habang sakay ng isang pampasaherong tricycle kasama ang 82-anyos nitong ina, kamakalawa sa Brgy Balatbat Lobo , Batangas .

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Lorna Boongaling Babao, 53-anyos, residente ng Brgy. Balatbat, Lobo, Batangas habang nakaligtas ang ina nito na si Rosita Boongaling Babao, residente rin ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya , alas-11:23 ng umaga nang maganap ang insidente kung saan sakay ang mag-ina ng isang pampasaherong tricycle at papauwi na sana ang mga ito nang dikitan ng isang motorsiklo sakay ang dalawang armadong suspek . Agad na pinagbabaril ang biktima sa mukha bago mabilis na tumakas ang mga suspek bitbit ang caliber 45 pistol na ginamit sa pamamaslang.

Nagsasagawa na ng dragnet operation ang pulisya upang madakip ang mga suspek habang inaalam pa nila ang motibo sa krimen. 

Lumalabas na kapwa nakasuot ng itim na bonnet ang mga suspek, long sleeves at itim na pantalon at sakay ng Kawasaki barako.

Show comments