^

Probinsiya

1K recruits ng BuCor pasok bilang Correction officers

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangasiwaan nitong Martes ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang sabay-sabay na panunumpa ng libong bureau-wide recruits na Corrections Officers 1 at 85 attrition cycle recruits sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Sunken Garden Parade Ground ng BuCor Compound sa Muntinlupa City.

Sa nasabing bilang, 264 ay mula sa New Bilibid Prison, 200 bawat isa mula sa Davao at Iwahig Prison at Peneal Farms, 140 mula sa Leyte Regioan Prison, 100 mula sa San Ramon Prison at Penal Farm at 96 mula sa Sablayan Prison at Penal Farm habang ang 85 attrition cycle recruits, 71 ang CO1 at 14 ang Corrections Technical Officer 1.

Ang 85 na ito, ayon kay Catapang, ay napanatili sa serbisyo dahil itinuturing ng Civil Service Commission ang kanilang mahabang karanasan sa trabaho bilang kanilang eligibility. 

Sinabi ni Catapang na ang bureau ay patuloy na nagbubukas ng mga pintuan nito para sa mga bagong aplikante na kwalipikadong magtrabaho sa BuCor, at idinagdag na sa susunod na taon ay isa pang 1,000 ang ire-recruit para sa ‘fresh blood’ na magsisilbi sa BuCor.

 “I don’t want misfits in BuCor, what we needed are men and women of integrity, patriotism and those who can be trusted to serve the country,” ani Catapang sa mga recruits.

vuukle comment

BUCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with