^

Probinsiya

Sunog sumiklab sa Cavite: Libong bahay naabo

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Sunog sumiklab sa Cavite: Libong bahay naabo
Gumamit na ng helicopter ang awtoridad para tumulong sa mga firetrucks sa pagbuhos ng tubig upang maapula ang malaking sunog na sumiklab sa dalawang barangay sa Cavite City na ikinatupok ng libong kabahayan, kamakalawa.
Cristina Timbang

CAVITE, Philippines — Libong pamilya ang nawalan nang tirahan nang sumiklab ang malaking sunog na ikinatupok ng libong kabahayan sa dalawang barangay na nagmistulang inferno, kamakalawa sa Cavite City.

Sa ulat ng pulisya, umabot sa ikaapat na alarma ang sunog na labis nakaapekto sa libu-libong residente ng Barangay 5 at Barangay 7, pasado alas-3:00 ng hapon nitong Linggo.

Halos walang mga naisalbang gamit ang mga residente na aabot sa mahigit kumulang sa 1,000 kabahayan ang natupok ng apoy na nagsimula umano sa isang bahay sa Barangay 7. 

Idineklarang fire under control ang sunog bandang alas-4:58 ng hapon bago tuluyang idinekralang fire out ng Bureau of Fire Protection (BFP) ground command dakong alas-5:54 ng hapon.

Umabot sa 100 fire trucks mula sa iba’t ibang lugar ang tumulong sa pag-apula ng apoy, bukod pa sa mga fire volunteer at chopper na sumasalok ng tubig sa dagat at ibinubuhos sa mga nasusunog na kabahayan.

Wala namang naiulat na nasawi sa sunog habang patuloy na inaalam ng mga wtoridad ang sanhi at halaga ng pinsala nito. 

Dahil sa malaking sunog, nagdulot ng matin­ding trapik sa lugar na agad ding nirespondehan ng mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office at local authorities para umasiste sa trapiko.

Hindi pa batid ng awtoridad ang sanhi ng sunog, pero isang hindi pa kumpirmadong ulat ang lumutang na nag-umpisa ang sunog dahil sa ginagawang pagwe-welding ng isang residente.

Ang mga apektadong pamilya ay pansamantalang nasa mga evacuation centers sa Dalahican at Sta. Cruz Elementary Schools.

FIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with