^

Probinsiya

18 bayan sa Central Mindanao binaha, 40K katao apektado

John Unson - Pilipino Star Ngayon
18 bayan sa Central Mindanao binaha, 40K katao apektado
Sakay ng bangka ang ilang pamilya upang lumikas mata- pos na malubog sa baha ang kanilang kabahayan sa ilang barangay sa Pikit, Cotabato nitong Sabado.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Hindi bababa sa 40,000 na mga residente sa 18 na bayan sa Central Mindanao ang apektado ng flashfloods nitong Sabado na sumira pa ng dalawang tulay at 23 na mga bahay, ayon sa mga lokal na kinauukulan.

Kabilang sa mga lugar na binaha ang Pagalungan at Montawal sa Maguindanao del Sur at ang hindi kalayuang mga bayan ng Kabacan at Pikit sa probinsya ng Cotabato.

Sa pahayag ng Cotabato provincial government nitong Linggo, nagpadala na si Gov. Emmylou Taliño Mendoza ng emergency responders sa Kabacan at Pikit upang tumulong sa mga rescue and relief operations ng mga local government units sa naturang mga bayan.

Sapol din ng rumaragasang baha kasunod ng malakas na ulan sa kapaligiran ang mga bayan ng Lebak, Kalamansig at Pa­limbang sa Sultan Kudarat kung saan may dalawang tulay na nasira sanhi ng malakas na daloy ng tubig baha mula sa mga karatig na mga kabundukan.

Ang nasirang mga tulay sa mga bahagi ng national highway Tambis sa Kalamansig at sa Kidayan sa Palimbang ay siyang nag-uugnay sa dalawang bayan patungong Maitum sa South Cotabato at dito sa Cotabato City.

Nagtutulungan na ang Office of Civil Defense-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at ang tanggapan ni BARMM Social Services Minister Raissa Jadjurie sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad sa Maguindanao del Sur at ilan sa mga 63 Bangsamoro barangay sa probinsya ng Cotabato.

EMMYLOU TALIñO MENDOZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with